the girl
JET. Isang batang mahal na mahal ang musika, na madaming kaibigan at nais pangmadagdagan sila, na may mga pangarap na gustong matupad, na ang nais lang sa buhay ay magpakasaya. un! ;)

shout


blog
Aleeza Agno
Ally Rodriguez
Arcee Grande
Cha Lacon
Demi Ilagan
Ella Viola
Erin Zablan
Hanie Mercado
Jed Morales
Jessica Vipinosa
Jessie Estrella
Jessie and Friends
Julie Enad
Katherine Abad
Katrina Eusebio
Katrina Prado
Lea Pearl Suba
Leody Pabelico
Ludet Balayan
Marjorie Sevilla
Mary Grace Chavez
Mica Espiritu
Monica Otero
Nicole Guillermo
Patricia Ofiana

Multiply
9love
Cha Lacon
Eina Lopez
Grace Libero
Jaybee David
Jed Morales
Jenirose Lozano
Jessica Vipinosa
Jet Estrella
Josan Balibay
Leody Pabelico
Nicole Guillermo
Patricia Ofiana
Renee Joy Basa
Rosenie Manese

Memories
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007


  • Free Hit Counter
    Wednesday, October 31, 2007

    WALA NA. AYOKO NA NG BLOG KO.
    nagbabalak na akong idelete to,
    kaya lang tinatamad pa ako.
    chaca parang sayang e.
    ^_______^

    12:38 PM.

    Friday, August 24, 2007

    ang normal na ng takbo. =]
    ewan ko. basta natutuwa ako.
    HAHA. ganun talaga.
    kaya nga idol ako ni fats e.
    salamat a. =]

    ayun. dry run kanina para sa NCAE.
    tae ang science. hinatak ako! tsk.
    ibig sabihin kelangan ko pa talaga mag aral. oo! mag aral nga.

    namimiss ko na ang magphotoshop. =[
    wala kasi akong oras gumanun ngayon kasi busy.
    HAHA. wala. di talaga busy, di lang trip.
    di ko kasi feel gumawa dito sa isang pc.. e ung dun sa pc sa tita ko un! dun ako talaga gumagawa. kaya lang di ako makgawa dun ng matino kasi nde ako makapagtagal ksi andun ung tita ko. pero sa 27 wala na xa. aalis na. kaya makakapagphotoshop na uli ako! =] yey!

    nagsasawa na rin ako sa layout ng blog ko. gusto ko rin gumawa ng bagong layout kaya lang wala akong oras chaca hindi pa ako ganun karunong sa layout kaya baka magnenok na lang muna ako. XD haha.


    **hay nako rens! wala lang. naalala lang kita. bat di ka nagteteks? pati si nek di mo tiniteks simula nung sinabi ko sayo ung problema at nung nag3way tayo. tsk. paramdam ka naman nu. ung sci cal mo asakin pa pala. kunin mo sakin pagandito ka.

    4:26 PM.

    Monday, August 20, 2007

    TAE.
    sobrang naaasar ako ke Jet at sayo.
    OO SAYO! =[
    tae ka rin e nu.
    magulo ka alam mo un?!
    hindi ko alam kung LAHAT ng pinagsasabi mo sakin simula nung pinakauna e totoo or hindi.

    dapat kasi hindi na lang to nanyari e nu.
    sana hindi na lang nasimulan nung dati pa.
    sana rin hindi ko nalaman na talagang may nageexsist na nilalang na ikaw.
    kasi dati sobrang pangalan lang talaga ang alam ko at NAPAKAWALA akong pakielam.
    tapos nakilala na nga kita. **TAE.
    masaya naman. madaming stroyang nabuo.
    onting lakad pagmay oras. ang pagiging busy kahit hindi naman.

    AY LINTEK! tapos, ako naman..........................
    na dapat hindi nanyari.



    ayan! ngayon.
    muka kasing praning si jet e.
    PURO RESEARCH.
    tapos bakit hinayaan niang maging ganun? ung mapalapit.
    pero ayos na rin ang pagrresearch.. at least nalaman ko kung san ako dapat lulugar. =]


    *

    *

    *


    ngayon.. kelangan tanggapin na wala na. tapos na. pero pede namang friends diba? T.T
    oo na lang ako.
    e sila e.



    basta eto na lang
    MASAKIT ANG NGIPIN KO! dahil bagong palit at
    kelangan ko pang GUMALING MAG PHOTOSHOP

    12:53 PM.

    Wednesday, August 08, 2007

    Walang pasok ngayon kasi umuulan. Bukas hanggang Sabado, Periodical Test. Hindi pa ako nag-aaral, tinatamad pa ako. XD haha. Mamaya na un.


    Ayun, UPCAT nung Aug. 5 College of Arts and Letters ako, umaga. Tae sa room! anlamig, pero okay lang. Kaya pa naman tiisin. XD Ang hirap ng math! Sobrang pauso ung mga tanong. hehehe. Tatlong items nga ang hindi ko nasagutan e. Ung science, language at reading.. ayus lang.

    Sept. 23 sa UST naman! =] Beato Angelico, panghapon naman ako. Tapos sa MAPUA, ewan ko pa. hehe. Magsusubmit pa lang ako ng form.

    11:42 AM.

    Sunday, July 22, 2007

    ANG RETREAT. bow.

    UNANG ARAW (July20)
    Late na ako dumating sa skul. Asa dulo na ako ng pila para sa pagchcheck ng gamit. XD pero ayus lang, kasi hindi naman mashado ininspect ung akin. binuksan ko lang ung zipper tas pinasara na agad. tsk. dapat pala dun ko nilagay mga pagkain ko.

    Walang kakaibang nanyari sa bus. Maingay pa rin. Puro kain at picture-an. Nagbasa na rin ako ng mga binigay na retreat letters na binigay sakin. HAHAHHA. Eto ang hinding hindi ko kakalimutan na maynagsabi sakin sa letter na sobrang natawa ko kasi kahit pala ganun naiisip nya na ganun xa. =] Nakakatuwa lang, sobra. Eto ung sabi nia parang ganto "okay lang, alam ko namang lamang ako sa kanya eh." hahaha. Natawa talaga ako sa bus nun. Alam mo kung sino ka, sana laging ganyan ung asa utak mo. Tandaan mo yan ha, kasi bespren ka e. Panghabambuhay ka na. =] Lumipas ang halos isa't kalahating oras.. asa Betania Laguna na kami. Eto na.

    Hindi kami kanya kanyang pili ng roommate. Si Hannah ang karoom ko at sa b-234 kami naassign, malapit sa cr. XD Pagdating namin dun, sinurender namin ung mga telepono namin at mga camera, un ang BADTRIP! =c Pinadirecho na kami sa Session Room para sabihin ang ilang house rules at binigya na rin samin ung susi sa kwarto. Ayun na, pinapunta na kami sa kanya kanya naming room. Nagulat ako sa room namin, panu kasi hindi ganun ung ineexpect kong makita. Maliit lang xa, dalawa ung kama na magkadikit, at may lababo pa sa loob. Swerte ng mga nasa 2nd floor kasi may cabinet, sa 3rd floor kasi wala. Buti na lang 2nd floor kami! =]

    Pinagpahinga kami saglit at nag ayus ng gamit. 4pm kami nagstart. Di ko na kkwento ung nangyari dito kasi hindi ko na maalala. Ang alam ko lang e nagdrawing kami, nakinig, nagsulat at naggroupings pa. Hindi ko alam kung anung oras na kami nun pinatulog. Basta naaalala ko lang, bago kami natulog ni Hannah, nagbasa uli kami ng letter at nagsagot nung "My Gifts" na parang pinaassignment samin. Wala talaga akong balak magsagot nun, pero dahil mashadong masipag ung kasama ko sa room.. ayun, napasagot na rin ako. XD

    May mga nakita rin pala sila Demi, Nek at kung sino pang may bukas na 3rd eye sa klase.
    Mga mumu!!


    PANGALAWANG ARAW (July21)
    Birthday ni faye =]

    3:30am ako nagising dahil sa mga classmates kong lalaki na nagtatakbuhan sa hall dahil sabik maligo. Ayan, pati ako napaaga ng gising. XD pero nde pa rin ako naligo agad kasi tinatamad pa ako. Tumamabay na lang muna ako sa mga kwarto kwarto ng mga natutulog at nambulabog. =] Ginising ko na si Hannah at naligo na rin ako. Ayus ung banyo. Buti na lang malinis! =] Tinawag na kami. Pinapapunta kami sa chapel para sa Body Meditation namin. Hindi ako mashado nakapagconcentrate kasi sumakit na naman ung nosebridge ko. Hindi ako mapalgay sa isang posisyon. tss. Tas un, kumain na kami at nagpunta na ulit sa Session Hall. Ayun, madami kaming ginawa nung araw na to. Nagconfession rin kami. Nag big group sharing, nagkaron ng oras for yourself, nagsulat, nagdrawing, nakinig.. ung mga kadalasang ginawa sa retreat. un!

    Eto ang best part! Gabi na. Nanuod kami ng mga film. Sobrang nakakaawa ungnakita namin. Tapos nun, nagshare ng mga insights chuchu. After nun, may activity kami. Nakapatay ung mga ilaw tas may mga kandila sa gitna tapos kukuha ka dun ng isa at kakausap ka ng isang taong gusto mong kausapin sa class. Dito na nagsimulang tumulo ang luha ko, hindi lang pala ako... KAMING LAHAT. awwwww. =[ Hindi ako umalis sa pwesto ko. Ewan ko. Iba ung feeling ko, ayaw gumalaw ng katawan, ayaw nia lumingon sa kanan pati kaliwa, ayaw niang magsalita, ayaw kumilos. DUN LANG AKO. Sila ang lumalapit sakin. Nakausap ko ung mga tao, pwera si Nek na supermegabespren ko. Madami akong gustong sabihin e, kaya lang ayaw ilabas ng bibig ko. Hindi rin naman xa lumapit sakin e. Baka parehos kami ng nararamdaman. Kasi nung pagtas nung activity na un, sobrang kahit magkadikit lang kami.. okay na e. =] Iba ung pakiramdam, parang alam ko na ung mga dapat niang sasabihin. Ayun. Nabasa ko na rin ung letters sakin nila mama. =]

    Nung binuksan na ung ilaw, nararamdaman ko na ung bigat ng mata ko. MAGA NA PALA SILA!!! HAAHHAHAHA. Kaya sobrang natatawa at naffreaky-han sila. hahaha. Kahit ako e.

    Paghiga sa kama, tulog agad ako.

    Naganap rin pala dito ang surprise para kay Faye. =]

    PANGATLONG ARAW (July22)
    TAE. Last day na.

    Late ako gumising. Ayus! Tama lang ang tulog ko. Dun ako sa taas naligo. Hanep! Mas pinakuluang tubig ang ipapanligo mo dun kase ung sa baba. XD HAHAHA. Sobrang WEIRD ng mata ko dahil sa saborang iyak kagabi. HAHAHHA. At ang tagal niang nawala, as in literal na matagaaaaallll!

    Nagmass muna kami bago kumain. Punta ulit sa Session Room, nagmold kami dun ng clay. Natuwa ako dun sa gianwa ni Cyra kaya ginaya ko. XD hahahaha. Tas un. Uwi na. =c Binalik na rin samin ung mga amin.



    --SA BUS.
    Bagsak ang lahat!! HAHAHA. Nalaman ko lang un kasi nung natutulog ako, biglang nahulog ung ulo ko sa gilid kaya nagising ako. XD Si Jaybee lang ang kangitian ko dun! Siya lang ang gising e. Kaya kinuha ko ung cam ni Nek at nagpicture na lang ako dun.




    --SA BAHAY.
    Pagod ang inabot ko. Pero masaya. =]

    5:44 PM.

    Sunday, July 15, 2007

    JUNE 14, 2007 kahapon. =]


    Inalarm ko ung phone ko ng 6:00 para maagang magising at makapag ayus ng maaga. Pero hindi ako nagising ng 6, 5:30 ako nagising dahil sa pag-iisi ko kay Renz dahil baka hindi un magising. Kaya tinawagan ko xa. Tae. Laging ung babae ang sumasagot, kaya bahala na lang.

    Hindi ganun ka araw ang umaga kaya nagddalawang isip ako kung matuuloy ba ang lakad namen. Pero naligo na rin ako at kumain para kung sakali. =] Pagtas ko kumain tinawagan ko si Nek para malaman ba kung matutuloy kami. Oo daw. Tuloy. Sa gitna ng pag-uusap namin biglang bumuhos ang ulan. Ayun, nagdesisyon kaming hindi na tumuloy. PERO biglang sumikat agad ung araw. =] Kaya, tuloy na uli kami.

    Nagbihis na ako ng tuluyan at pinapunta ko na si Karl at Renz. Sabi kasi ni mama papuntahin ko daw sila dito at sunduin nila ako. Un ang unang pasok ni Renz sa bahay namin. Kinausap siya saglit ni mama at umalis na rin kami. Umalis na rin sa kanila si Nek. =]

    Qtr to 9 ang usapan. Late kami nagkakita kita. ^_________^ Kadiri ung palengkeng dinaanan namin para kitainsi Nek. Sobrang putikan kaya nabadtrip si Karl. Ako naman ung pantalon ko putik putik rin. Pero ayus lang. Normal lang un, e asa palengke ka kaya! Hahaha. Asa kabilang side si Nek kaya kelangan ko pang sumigaw para makita nia kami. Nakita na nia kami at nagpunta xa sa side namin. Nagtrike na kami papuntang 7-11 kasi dun sasakay. Ayun. derecho UST na kami nito. =]

    Pagpasok sa UST, feel na feel na namin ni Nek ung lugar. Hahaha. Nagtanung kami dun kay kuya guard kung san makakakuha ng application form. Doon sa puting building. =] Nag log kami at nung nagsusulat na dun si Nek, may nakita akong nakasulat na SMAC, sila Ella pala! Ayun, nakakuha na sila ng form kami kukuha pa lang. Matapos nun, naghiwalay muna kami. Sila Marj lumibot, si Karl may mineet na kaibigan kaya kmaing tatlo nila Renz ang lumibot sa UST. =] Nagkitakita kami dun ulit sa puting building at un. Tuloy kami sa La Salle.

    Jeep papuntang Tayuman. LRT papuntang Vito Cruz. Nagpunta muna kami saglit sa starbucks dahil kukunin ni Marj si Franz. =] La Salle na. Ayun, nilakad namin ang halos 500m papunta dun sa Andrew Building. Kumuha sila ng form, ako hindi. XD Nagjeep na kami pabalik. Kakain kasi kami sa Mcdo. Tas sila Renz at Karl, nagpunta saglit sa Benilde. Ayun. Pinuntahan naman namin si Mats sa pinagrereviehan nia, dun rin nagreview sila Nek, Marj at kung sinu sino pa. Tinour nila kami. =] Tas dun na kmi nagkahiwahiwalay.

    LRT papuntang Monumento. Parang mabagal ng oras para samin ni Nek, kasi 1:00 pa lang. XP Pagdating sa Monumento, may binigay sakin si Karl. Ung card sa LRT. XD Tinakas nila. HAHAHA. Sinamahan namin ni Nek sa Meriam kasi bibili xa ng libro. Tas umuwi na rin xa. Tatlo na lang kami. NagTrinoma na lang kami.

    Bus papuntang SM. Kulitan sa bus. =] hahaha. Bumaba kami sa SM tas nilakad namin papuntang Trinoma. May bibilin kasi si Karl, kaya lang napagisip isip nia na manghihiram na lang xa kela Renz o kaya kay Jons. Wala na. Tahimik na si Renz, ewan ko kung bakit. Nagtimezone kami. =] Tae. Sobrang gusto ko magDDR dun! English kasi e. HAHAHA. Pati ung tambol tambol dun. XD Si Karl nakakarera. Kami ni Renz, palibot libot sa Timezone. Bumili rin pala ako ng card ko. =] Sa paglilibot namin ni Renz dun, may nakita kaming isang laro na magmumuka kang bano! HAHAHAHA. Triny ung ni Karl at Renz. HAHAHAHA ayun. Tawa ako ng tawa! XD Balik karera si Karl. Si Renz, tahimik pa rin. Sobrang walang kibo. Kaya un, niyaya ko xa sa labas ng timezone. Tinanung ko xa kung bakit, puro wala naman ung sagot. Kaya nagMcdo na lng ako uli. Coke Float. =] Tas balik kami sa labas ng Timezone. Tinanung ko nanaman xa, puro wala pa rin. Kaya kahit walng kakwenta kwentang tanung na pedeng maitanong tinanung ko na. Tsk. Ayun, mejo dumaldal na xa. =] hehehe. Mga 4:30 tumawag si mama, umuwi na daw ako maya maya at nagpabili xa ng 2crispy chicken burger. Paglabas namin sa Jolibi, nakita namin ung lola ni Karl. Dun na xa sasabay umuwe. Dalawa na lang kami.

    Pumunta kaming The Block ni Renz, nagbabakasakaling makita si Fats dun. =] Pagpasok namin may mga nakacostume na parang Anime. Naalala ko tuloy si Jethro kasi sumasali xa sa mga ganun. XD Umakyat kami sa 2nd level para makita ng buo. Tapos bumaba na rin kami, nung asa may escalator na ko, paglingon ko sa right, nakita ko dun sila Phey, G.A at ung mga kabarkada pa ni Renz. HALA! baka maulit ung dati sa Toy Kingdom. Kaya tumakbo na ako sa baba at dumerecho dun sa crowd na puro anime. Ewan ko na kung asan na napunta si Renz. HAHAHA. Tas nung asa crowd ako, nakita ko dun si Jethro! Sabi na nga ba e! Pero hindi xa nakacostume. XD hehehe. Sayang. Ayun. Lumabas kami sa crowd at nagusap ng kung anu ano. Dumating na si Renz, ayun. Nagkakilala sila. Parehos silang taga Mapua kaya maynapag-usapan sila. Paglingon ko sa likod, andun si Fats! =] hehehe. Ayun. Saglit lang kami nagkausap usap. Umuwi na kami ni Renz kasi hinahanp na ako ng nanay ko. XXP.

    NagFX kami papuntang Jordan. =] Napag-usapan namin ung pag-aaral nia.


    BAHAY NA ULIT.











    dapat xa to e. busy kasi.

    8:22 AM.

    Saturday, July 07, 2007

    okay.
    examination week to.

    ♥July2
    -libre ni jons
    ♥July3
    -mcfloat =)
    -HAPPY 18th BIRTHDAY KRISSI
    -peace!
    ♥July4
    - =]
    ♥July5
    -HAPPY 23rd BIRTHDAY ATE MAE
    ♥July6
    -First Friday
    -SM North *the block* *QUANTUM*
    -nalaro ko na ung gusto kong laruin!! Hiyeeeaaaasss!!! para para! (balik tayo dun juli!)
    ♥July7
    -ngayon.






    BOTTOMLESS ICED TEA = BOTTOMLESS WII WII

    4:25 PM.