Masaya na malungkot na ewan ang Aug. 22. tsk. Malungkot kasi
HINDI KAMI NAG-USAP NI MONICA. :'( at sobrang nakakalungkot un. Oo, nag-usap kami.. nung lunch lang. Pero napansin rin pala ni Rhia na parang ganun nga un. Napansin niya na antahimik ko. tsk. Ewan ko ba kung bakit hindi ko makausap si Monica. Parang nagkakalayo na kami.. parang ganun ba. Hindi na kami mashado lagi nagsasama. Ewan ko nga kung siya makakapartner ko sa UP, para manuod ng Noli. :(
May nangyaring kakaiba ngayon. Pero hindi un tungkol sakin. Sa mga classmates ko.. ung sulat sulat. Haay, kala ko pa naman ayus na sila. Ayoko na mag sabi pa ng kung anu anu. Basta may nangyaring ganun. At sana, magkaayus ayus na silang lahat.
HAHA. Sabi sakin ni Ria na ung sulat ko daw.. parang SULAT NG MALINIS NA LALAKE. :)) HAHA. Pero ayos lang. Atleast MALINIS. :)
Nakakatuwa kanina sila Nicole, Cham at Ella. HAHA. Ung pag wave wave ng mga arms nila. :)) lalo na si Cham! XD Ang kulet. Ang harot ng braso. Ung bang magtataas na lang ng kamay, mag wewave pa. ayus naman! HAHA.
Andami ko na namang alam na mga kanta ngayon. :) Nung Friday ko lahat sila naalam. Salamat kela Ria, Ella at Marj. :) Sobrang andaming nadagdag sa MP3 ko. :) At may pahabol pa kanina! Petix. HAHA. Ang hanep ng kantang un! :) Gusto ko memorize-in un! Speaking of pagmememorize.. mabuti na lang talaga at hindi ako napili ni Ms. Angeles na kasali sa sabayang pagbigkas. tsk. kundi. wala.. patay patayan ka na Jet! HAHA. Nakakatamad kasi magmemorize ngayong panahon na to e. Ewan ko. Di ko lang feel mag memorize tas ang haba pa. Buti na lang talaga. Chaca kahit sa props naman ako.. magaling naman ako magdrawing e! HAHA. ow yes! XD
Wala kanina sa Ms. Dela Cruz, our geom teacher, kaya si Ms. Regalado ang nag sub. Nung una.. kabado ako.. kasi mabilis siya magturo e. Kaya baka wala akong maintindihan. Pero grabe! Naintindihan ko siya. Malinaw na malinaw! :) HAHA. Dun ko na nga tinapos ung assign namin e.. kasi madali lang. :) Sa chem naman.. ayus lang naman. Kaya lang ambagal ko talaga pag dating sa electronic configuration. tsk. Need more practice! :) Masaya kung laging ganyan ang pag-aaral ko. :) Sana laging ganto. :) HAHA.
Grabe! Kuhanan na pala ng card sa Sunday! tsk. Sana naman matataas ang grades ko. Hidni naman ako ganun ka kabado unlike ung dating pag kuhanan. :) At sa Sunday rin pala.. baka un ang maging unang pagsama ko sa bulid. :) Yey! HAHA. Anu naman kaya matutulong ko dun?! Gusto ko magpintura ng bahay at magsemento! WAHAHA.
6:27 PM.
Yehey! nakagawa rin ako ng panibagong blog. :) kaya lang mejo aayusin ko pa siya, aalisin ko ung Navbar. Turuan nio naman ako kung panu. Nakalimutan ko na kung panu alisin e. tsk.
Dahil bago ang aking blog.. wala pa siyang mashadong laman, ang shoutbox ko naman.. napaka wala pang kwenta kasi wala pang nagsusulat :( huhu. Hmm.. ayun.
...
Wala. SOBRANG PANGET na ng mga layouts sa blogskin! Hay naku. Kung marunong lang talaga akong maggawa ng sariling layout ko e. tsk. = kaya ng nagyon, pag-aaralan ko kung panu magedit ng images.. chuchu. ganun. haha. :)
...
May YFC kami kanina. Di ko na matandaan kung saang lupalop ng mundo un. ahaha. :P Basta dun sa simbahan ng GSIS Village ata. un ata un! ahaha. Ayun.. inintroduce na ako sa mga ka-chapter ko. :) sa wakas! di na ako maliligaw kung san ako kabilang, sa Talipapa ako (kay kuya BJ ) :) hehe.
7:24 PM.