Hello. :) Ngayon na lang uli ako nakapag update kasi wala namang magandang nangyayari sakin. sus. chaca wala akong maisip na isulat dito at tinatamad ako mag stay ng matagal sa harap ng computer. :P Ansaya bukas! :) :) Walang subjects! yey! tapos ang gagawin lang namin ay mag ayos ng classroom at mag agape at maglilibot ata kami ng iba ibang rooms para tingnan ung mga ginawa nila. :) odiba! ansaya! haha. tapos half day pa! Kanina.. nung Chem na hanggang Geom.. halos wala na kaming ginagawa. Lalo na sa Chem! Simula nung hinanadle kami ni Miss Carandang.. wala na kaming ginagawa.. nagpprepare na lang kami for the contest tomorrow. Kaya sa Lunes, maghahabol kami at siya pa rin ung magtuturo! yes naman! matagal tagal naming hindi makikita ung totoong guro namin sa Chem! >:)Dota. :) Naglaro kami ni Jessa ng Dota kanina! waa! totoo nga ung sinasabi ng mga manlalaro nun! "MAAADIK KA PAG NATUTUNAN MO NA!" Grabe! Dapat talaga 30 mins lang kami maglalaro.. kasi ang asa isip lang namin.. ay SUSUBUKAN LANG NAMIN at PAG AARALAN. Hanep! Naging 1 hour na ung 30 mins. Actually 45 mins nga lang e. Kasi hinahanap na kami ng service namin. HAHA. Kami na lang daw hinahanap, galit na galit nga samin e. Tas nung tinanong kung san kami galing sabi namin "jan lang!" haha. shempre baka magsumbong e! HAHA. >:) Back to Dota. Ayun.. nung pagpasok namin.. wala mashadong tao. Andami pang bakanteng upuan.. at may mga onting tao dun sa bungad. Tas un.. sabi namin dun sa namamahala =D "hindi kami marunong magdota". Tas sabi nia "osige dito kayo sa dulo para hindi nila kayo mashado papansinin" tas tinawag nia ung mga bata na MAGTUTURO SAMIN! haha. bata pa ung magtuturo samin! :)) Tas un.. ganto. ganyan. sugod. atras. balik. punta ka sa bahay mo. bilin mo yan. MAY MULTO KA SA ULO!! :)) left click mo. right click mo --un pala left! :)) kaya di ako makapagteleport! kasi dun sa mga bata ang right nila sa mouse.. ung left! kaya di kami magkaintindihan! :)) HAHA.
Masaya maglaro ng DOTA! peksman! mejo mahirap sa simula. pero magegets mo rin agad. Mas unang natuto si Jessa sakin. Level 18 na siya ako 14 pa lang! Panu kasi may pampalevel daw xa! tsk. Wala naman siyang river of life! :)) Tas nung tapos na kami.. hala! kami lang pala ung MAINGAY dun at kami lang rin ang babae! :)) Di na nga namin na pansin un e. XD O2jam naman next week! :P
** kelangan practisin ko ung tinuro sakin ni Ella [Chiksilog at Petix, mejo ayus na sakin ung Aubrey] : ) onga pala! salamat Ella sa matiyagang pagtuturo mo sa akin! :) :)
5:57 PM.