So Yesterday. ^________^
**Umaga
Nag punta ako skul para mag ayus uli ng bulletin. Wala na gaanong estujante. Tss. Kami na lang ata hindi pa tapos e! HAHA. ayun. Mga 12 umalis na rin ako kasi asa caltex na si Rens.
**Tanghali
Dahil asa caltex na nga si Rens, sinundo ko xa dun. XD Pumasok kami ng skul para makidaan kasi pupunta kami sa kabila. =) Pupunta kasi kami kela Nek. Wala. Tatambay lang dun.
-kela Nek.
1) Tambay sa bahay [nuod, laruin si Tatin]
2) Computer shop [O2jam <3, Audition [taeness di ko to gusto! ayaw makisama!]
3) Kain sa bahay ng pancit canton
4) Uwe
.
.
.
.
Nakagat si Tatin ng aso sa noo. Tsk. Kawawa. =(
So Today. ^_______^
Nagpunta kami sa Chinese Gen for my x-ray.
Nde natuloy kasi may inooperahan si doctor.
Bukas na lang daw uli.
Badtrip.
Sayang ang pagod.
JEFF JEFF
8:27 PM.
(kung wala kang ginagwa, eto na lang basahin mo :D mejo may kahabaan e. wala kasi akong time magupdate kasi tuloy tuloy e.)MAY 22(kaduktong)
Yung mga nanyari nung umaga ay nakwneto ko na sa post ko sa baba. =) Eto yung mga sumunod na mga nanyari. Nung bandang after lunch nagpalaro nung pataasan ng ihi, boxing at kung anu anu pa. Lahat ng laro sa buong maghapon hindi ko napanuod kasi nagcomputer lang ako. HAHA. XD Nung hapon na, mga 4 nagpprepare na si Jessie kasi kasali siya sa santacruzan dito samin. Pati ako nagpprepare para naman bukas sa lakad namin ni Fats. Wala. Inayus ko lang ung sintas ng sapatos ko. =) hehe. tas un nagstart na ung santacruzan around 5:30 at natapos ng mga 7. tapos nun ung awarding naman ng basketball, hindi ko mashado un inintindi. eto lang. MOST EMOTIONAL PLAYER: Ongkong. =))) haha. tapos nun umuwi muna kami ni Mica para makakain ako. Si Mica ang kasama ko the whole night. =) pagtas ko kumain lumibot muna kami ni Mica sa Del Rey at kumuha na rin ng pera para sa entrance fee dun sa Ms. gay earthworm 2007 na gaganapin sa court. ayun. libot libot. tapos napadaan kami dun kela kit tas sumama samin si kit para daw makatakas xa sa inuman nila. ayun. tumambay kami dun sa tapat ng bahay nila ronjake. dumating si jessie. tineks ko si karl kasi kukunin namin ung pera ni mica sa kanya. =) ayun. ts unting kwentuhan kami nila kit dun, pero wala sila karl. lumibot sila nila renz. tapos nun pumasok na kami nila jessie at mica sa court si kit umuwi na. NAKAKATAMAD AT NAKAKANGAWIT SA COURT. wala akong makausap at nangangawit na ako sa kakaupo kaya niyaya ko na lang si Mica na lumibot kami. ayun. libot libot. at biglang... tsk! NAKITA KO ANG NAKITA ko nanaman! tsk tsk. nakakaasar na nakakalungkot na sobrang napapa-isip kami ni mica kung anu ang sasabihin namin sa kanya. tss. taeness.
NGITING MAY ALAM. tapos nun nagpunta na kami ng court at simula na ung contest. ang titindi ng mga kabaklaan! sobra! ichurang babae talaga pati boses tas ung mga tipong pinaghandaan talaga nila!! national costume, evening gown at swimsuit ang mga pinagsusuot nila. ung isa nga nakita pa namin ni mica na nagbibihis e. GRABE! laki ng __.! lupet! HAHAHAHAHA. katabi namin sila jons sa bleachers. ayun. nung natatamad na kmi manuod nagaya si jons sa playground. ayun dun kami nagkwentuhan, kulitan at asaran. =)) silang dalawa ni mica ang pasimuno. andun rin si rens, pero nde xa nagsasalita ksi galit kami nun. pero kung normal lang ang takbo ng mundo namin.. maingay lalo kami nun. e kaya lang.. ganun talaga e. ayun. natapos ng 1 am. natulog ako ng 2, gigising pa ako ng maaga kinabukasan kasi may lakad ako.
TAE! nasira telepono ko! tumambling sa bleachers! tsk.
MAY 23CURFEW: 5:00 tss.
papagawa ung phone ko.
9:00 kelangan asa school na kasi aayusin ung bulletin board, kaya 7 pa lang gising na ako. taeness. ilang oras lang tulog ko. ayun. 9:10 ako nakarating sa school. nagplano. nagdikit. naggupit. nde pa xa ganun tapos. =) kaya daw itutuloy bukas. ako ang nagisip ng magiging ichura ng borad namin! =)))) bumili na rin ako ng mejas at pe shirt.
Mga 12 umalis na kami ni fats para mag punta sa SM at TriNoMa. Nagtagal kami dun ng unti kasi nde namin makita ung si "keep it together" =)) dahil ng matgal xa pumasok muna kami sa fully booked kung saan sobrang nalula ako sa mga libro. nakabilis ako ng MACARTHUR ni BOB ONG woth 100. =)ayun. sa d block namin xa nakita! HAHAA. kasama nia ung isang friendly friend nia. sasabit daw xa saglit. ayun. nag TriNoMa kami. First time namin lahat un! :D nakakaligaw dun! daming pasikot sikot. nde pa ganun kalamig. mejo amoy pintura pa. mejo may mga stores na nakabukas, madami dami na rin. =) nagpunta kmi dun sa timezone at tumambay. lumabas rin ami dun sa parang tambayan rin sa labas ng timezone at tumambay ulit. hahaha. nde kami naglaro kasi wala kaming card. pero may gusto akong pagkaadikan dun. :D tapos nung kakain na kami ng lunch nung 3:00 XD umalis na ung friendly friend ni "keep it together" =)) ayus pangalan e nu. tas kumain kami sa KFC. *chika!* *baka lumaki ulo ko nian* *utot xyz* =))))) nice fats! tapos nilibot namin ung mall. nakarating kami sa artwork kung saan kami nagtagal kasi bumila ako ng damit. :D MAGANDA XA! kulet nga ng dressing room e. hehe. ayun. tas pinasok rin namin ung converse, human at shoe salon. TAE UNG SINTAS SA SHOE SALON!! astig talaga. tsk. kung maraming butas lng ung sapatos ko e. XP ayun. dahil nga may curfew ako at si Fats ng 5:00, umuwi na kami. =) 10 to 5 asa bahay ako. :D muntik na! haha.
pagdating ko sa bahay, nagyaya naman sila jessie at mica na samahan ko daw sila sa SM at TriNoMa. tapos dderecho daw kami sa practice nila para sa Sabaday :) Lord's day kasi ng YFC sa goodeal kaya derecho swimming. =)
dahil nga sira ung phone ko, hiniram ko ung phone ng lola ko. :D
pagkauwe ko. gawa na ung phone ko! yey!
MAY 24Death Anniv ng lolo ko. †
8:30 na ako nagising at pagtingin ko sa phone ko "NEW RECEIVED MESSAGES: 39" hala. tsk. ayun. at isa na dun ung message ni Mica kung tuloy daw ba. nde naman kami nakapagpaalam kahapon kaya ginising ko si jessie para itanung kung tuloy ba. nagpaalam xa kay dad pagkagising na pagkagising. ayun. buti na lang at pumayag. :D nag ayus na agad kami at umalis kasama si Mica. =) 10 kami umalis. grabe! super init at super traffic! 11 na kami nakarating sa school. pinashal ko ung dalawa sa building. nde ako gumawa sa bulletin namin. haha. binago na pala ung mga pc sa comp lab! maganda na! o.O 12 umalis na kami ng olga. derecho SM. kumian sila dun at unting libot. dinala ko sila sa fully booked para malula rin sila sa mga libro. HAHA. nagtagl kami dun kakabuklat sa mga cards dun. hehe.
Tumuloy na kami sa TriNoMa. Libot libot. nagtagal kami sa Toys R Us. naglaro ng mga laruan dun at kung anu ano pa. kumain sa KFC at pinasok ang mga shops dun. nakabili ako ng kwintas na gusto ko, ung keycain sa clippers at strap for my phone. 300 lang ang pera ko. napagkasha ko lahat, mga binili, pagkain at pamasahe. :D
Bumalik kaming SM para sumakay ng fx dahil pupunta naman kami sa praktis nila jessie at mica. umuulan pa nga nun e. kaya nagpahatid na kmi dun mismo sa fx! haha. bute na lng mabait. :D ayun. 6 na kami nakauwi.
PARANG WALANG GABING NAGDAAN. TAE. TULOY TULOY ANG LAKAD. ETO LANG MASASABI KO SOBRANG PAGOD NA PAGOD AKO AT WALA NA AKONG PERA. NGAYON AY REST DAY KO! Bukas may lakad uli ako. 3-9 pm tas derecho langoy. :D tapos may balak pa na surprise.
nde pa rin kami ayus. taeness. tsk.
10:16 AM.
PASTayus ang araw kahapon. sakto lang ang mga pangyayari. ewan ko kung bat ko nasabing sakto. nakapag pc ako ng matino kahapon dahil wala ang taong laging gumamait ng pc. haha. asa lakwacha. ayun. tapos sa pag ppc ko.. nung mejo patapos na ako.. TAENESS! may nalaman ako. LINTEK. kaya mejo naasar at nagulo ung paguutak ko. =)))) panu un?! haha. basta di ko maexplain. panu ba naman kasi.. tss. ay ewan. di ko alam kung totoo ka ba o ewan. pero sana ung mga sinabi sakin ng isang kaibigan =) sana tama un at mali ung mga iniisip ko. KILALA MO KUNG SINO KA. =)
nagteks si tracy.sbi nia. kulay neon green (yuck!) daw ang pe shirt natin (iba iba daw kada year level -isa pang yuck!) at ang burda ng mejas natin ay cursive na. ayoko ng shirt natin.
salamat nga pala
MEYK :D sa bagong banda! gusto ko xa talaga! sobra! =) SALAMAT SALAMAT SALAMAT!! :D
PRESENTFIESTA dito samin ngayon! =) umaga pa lang masaya na. andaming laro! kaya un.. mga 9 ng umaga pawisan na ang mga ato sa labas kakalaro. un nga lang nde ako nakanuod dahil mas inuna ko ang panunuod ng tv kahit na alm kong pede namang maulit ang mga palabas na un. XD at nde ko rin kasi maiwan ang telepono ko dahil may kateks ako, ayun. basta di ko alam. =)))) tapos nagpc na alng ako. at eto na! lalo pang umingay ang kalsada nang dumating ang mga baklang nagsisipag sayawan sa tapat ng mga bahay para humingi ng pera. at ayun.. natapatan nga kami. HAHAHA. ewan ko. nandidiri ako na natutuwa na naaamaze na ewan. nde ko alam. HAHA. wala. nagsasayaw sila dun ganun ganun. at nung nakita nila na may mga aliens nga dito sa bahay na napadpad, hala! lalo pang nagpasikat! :D nagbubuga na ng apoy, kumakain, nagpapatay at naglalaro ng apoy para lang madagdagan ang laman ng sobre. ayos! kaya naman ung mga taong nakapaligid sa bahay namin ay tuwang tuwa sa mga nakikita nila. XD at mejo ako na rin. =)) kaya sayang ung mga taga del rey ngayon na wala dito. XP
FUTUREbukas ay pupunta kami ni Fats sa school para ayusin ang bulletin board ng mga club namin. lahat ata ng officers ng bawat club ay kailangang magpunta e. ayus! makakalabas nanaman ako ng bahay! yey! =) tapos baka gumala pa kami ni fats sa kung san. basta bahala na. basta alam ko MASAYA bukas! haha.
para ay Fats at kay Jet. =) natutuwa ako sa mga nanyayari. haha. pati ung nanyayari senio, sakanila, satin at sakin. HAHAHA. *wenk! pero may unting sablay pala ung sakin.. nde pa kami bati. =(
10:20 AM.
SAN MIG LIGHTS lang. =)
12:15 PM.
sobrang tagal kong nde nahawakan kahit saglit ung pc namin. panu ba naman kasi adik ung asawa ng lola kong taga america. nag aadobe lang naman! tss. lahat ng mga pictures sa camera nia.. ineedit ba naman! suz. pacrop crop lang at edit ng kulay ang ginagawa nia. nya. pero hinayaan ko na rin. sisingit na lang ako pagmay pagkakataong ganito. :D
Kahapon lang ulit ako lumabas ng bahay na matagal. nakakamiss ang mga tao sa labas ng unti (kahit na may ilangan). HAHA. ayun. nanuod kami ng basketball at volleyball. may tibo pa nga sa volleyball na ngumiti sakin e. nyaha! tae. panget naman. haha. ansama. jowk lang. pero sabi nila jessie gwapo daw. tss. wala talagang tatalo ke _. hiyessss!
amoy kape na uli si anu! yehey! <3
mamaya ay magsswimming kami sa paradise.. kung saan rin sila nagswimming! HAHAHA. aksidente. hehe. sana nilinis na ung tubig. XD
**kala ko panaman tinigil mo na.. tss. nde pa pala. yaan mo! bibilan kita ng marami. may apoy pang kasama! baon mo sa skul. nya.may malaman pa akong isa.. tae. ddrechuhin na kita. br.++sori sa nagawa ko. oo, aminado ako na mali ung ginawa ko. kaya ko lang naman nagawa un kasi natatakot ako na baka magalit ka.. away na naman ang kahahantungan nun. naninigurado lang ako. sobrang nalungkot ako nung nagteks ka sakin na "anlaki pa naman ng tiwala ko sayo (...)" sobrang naguilty ako dun sa nangyari. mahirap na kasi. dati kasi parang unting kilos lang tulad pag nagwewaitng ka o kaya unting usap lang namin, away na agad. tampuhan. kaya un. nilihim ko na lang para nde un mangyari.. e kaya lang.. nalaman mo. kaya lumala. ewan ko kung paniniwalaan mo to, shempre mahirap na uli maibalik ung tiwala pag nasira na. baka sabihin mo kabarberuhan lang to. la na ko magagawa dun. basta sori.. sabi mo nga "ganun na lang ba sayo kadali ang magSORI?" natural nde. pero yan lng ung masasabi ko sa ginawa ko. MALI e. tapos eto pa "uki lang.. masaya ka naman e" satingin mo masaya un?! sino ba ang gustong matuwa dito?! sira na tuktok nun. praning. tss. eto lang.. alam ko nde mo ako AGAD mafforgive. cge ayus lang.. dahil alam kong sobrang nalungkot slash nasaktan ka dun sa ginawa ko. magiging lesson para sakin to. SORRYdoble bistado. T_T
MAY NAMIMISS AKO. teks ka naman. :D
1:51 PM.
MAY 10dumating ang lola ko sa father's side. =) un lang un.
eto rin pala ang araw na excited kami ni fats na mag bukas. >.<
YIII!!!
XP
MAY 11LAST DAY na ng upcat review namin. 120/280 ang nakuha ko! suz. tama lang sa inaasahan. BAKSAK. tss. hindi ko naman kasi sineryoso.. at naasara ako kung bakit nde ko nagawang seryosohin un. pero kahit na ganun, may natutunan naman ako. :D salamat sa mga taong nagchagang pumasok sa room na kung saan ang mga estujante dun ay parang may sariling planeta para lang kami ay turuan. salamat. ha?! =P
ayun. akala namin ganun lang kabilis ang discussion. panu ba naman kasi, halos 2 oras lang diniscuss ung language and reading proficiency. akala namen.. papalabasin kami ng ganon kaaga. suz! tae. lahat ng mga akala ay mali pala! ayun. sinabi ung mga tungkol sa essay, kung panu sisimulan at tatapusin, kung panu magsulat. tapos pinagsulat ba naman kami! nakow! e wala. gumawa na lang kami para matapos na ang lahat. XD
..at natpos na nga ang lahat. HAHAHA. tapos na ang review. kelangan na lang ay ipasa ang mga kukunin namin test. GOOD LUCK!
another chapter na. =)
sa sm.. with fats --pa lang. =))
kami lang dapat ni fats ang nasa sm nung araw na to. e nung may 10, sabi ni kit na gusto niang sumama. ayun. tinanung ko muna ke fats kung uki lang, and she said yes. =) ayun. edi un nanga. kasama namin xa at si lance na kaibigan ni kit at kaclassmates pa nia na may gusto kay fats. OO! may crish si lance ke fats. nagkita sila sa del rey nung naligaw samin si fats. =) hehe. kaya parang ang dating e partner partner. =)) partner kami ni fats. partner si kit at lance! =)))) e kasi nagkakahiyaan pa si fats at lance kaya un.
QUANTUM ang una naming destination na kung saan tumambay para magkakilala si lance at fats na nde naman natuloy. wala. nagngitian lang kami dun at nagisip ng maaring malaro slash gawin dun. nilaro namin ung LAGI ko nilalaro dun. ung sa kamay na parang dance dance na hindi ko alam ioperate pero nalalaro ko pa rin! =)) at ung isang laro dun na walang gagawin kundi pindutin ung pang"DEAL or NO DEAL" na button tas lalabas ung bola at papasok sa isa samga butas dun at maglalabas ng ticket. un! =))
WOF ang sinunod naming puntahan. nagracing kami. ung pang 4 players, pero tatlo lang kami nakalaro. panu kasi ung token ni fats nde nakisama. ayun. tss. mag isa lang xang naglaro. nyaha! unang karera- panalo ako. 2nd si lance, 3rd si kit. waw! pangalawang karera- ganun pa rin! ayus! galing ko! hehe. sinunod naman namin ni fats ung palaksan ng pagpalo. TRIP LANG! =)) si fats panalo. nakalimutan ko na ung score namin. basta naka 620+ kami. ow hiyyeessss! tapos. dull moments nanaman. nya. tapos niyaya ako ni lance na magbasket kami. talo ako. nya. pang quantum lang ako na basketball. XD taas ung asa WOF e. haha. eto pala! naalaa ko! HAHAHAHA. alam nio ung game na pupukpukin mo pag may aangat? ung kunyari lalabas to, kelangan mo paluin. tas lalabas pa ung iba tas papaluin mo rin. gets?! basta un. tapos may naglalaro dun, mahaba na ung tickets nia. madami na. hala! nung nakita ko kung panu xa maglaro.. grabe! natawa talaga kami ni lance! panu kasi sinusuntok nia! nde nia gnagamit ung pampukpok! =)) wirdo! parang nagmumuka tuloy xang adik nun! =)) ayun. tas lumabas na kmi ng WOF at mejo natripan namin si fats na mag DDR! unga sa labas nun! =)) shempre di namin alam kung panu ioperate un.. kya nakipagfriendly friends kami sa magkakaclan dun. ayun. =) saya! natuto kami at mejo naadik. HAHAHA.
----uwian na.
ewan ko. ang tahimik ko sa fx. SOBRA! kasama ko nun si kit at lance. sabi ni kit "bat antahimik mo? wag ka muna mapagod. mamaya na paguwi mo. ngiti ka na lang. :D" ayun. pero wala. tahimik talaga. walang masabi. hanggang sa bahay. tahimik. maagang nakatulog ang utak ko. ayun. kaya akala ni mama, may problema ako. kahit wala naman. siguro PAGOD lang talaga. pero ENJOY. SOBRA! :D
MAY 12di ko natiis ang hindi magcomputer. haha. XD wala nagmahal sakin ngayon. sobrang wala! puro gm lang. tae. si krissi lang mejo nagteks na "musta na?" ayun. unting teks. wala na rin. basta. sobrang wala.
MOTHER'S DAY NA BUKAS!! wag kalimutang batiin ang mga nanay natin a! =)
9:21 PM.
Tuesday. Araw na kami ay may review. wala. last Tuesday na namin to.. sa Friday last day na. Sobrang dinidiscuss na lang ung mga tanong tinest namin last week, kaya mejo nde na kami nakikinig. Nakakatamad na e. XD nyaha! kaya un.. ginawa ko na lang ang lagi kong ginagawa pag ayaw ko na makinig. ANG MAGDRAWING ng mga kung anu anu. XD HAHAHA. tapos sa likod nung papel, sinulat ko dun ung mga tawag sakin ng mga ibat ibang taong kakilala ko. =) katuwa. eto:

..at natapos rin ang review. eto na! manunuod na kami ng spideman3! nyaha! excited talaga ako kahapon kasi obrang plinano namin to. XD ayun. TAE! pagdating ko dun sa meeting place namin wala pa sila dun! si rens, papunta pa lang daw pero nung nagkita kami sabi nia kanina pa daw xa andun.. asa quantum xa. si monik, asa koche pa daw. nyak! ayun. sumama muna ko kela fats, jo at ring sa smpero umalis na rin agad sila.. kaya naiwan ako dung nag iisa.. huhu. ='( nyahaha! daming alam! edi un. nung naghahanapan kami ni monik.. juskow! asa harap na pala namain ang isat isa nde pa kami nagkita, kung nde lang sinabi ni tita arlene na "ayan na o! asa harap mo na" hala! nde pa sana kami magkikita. XD alam nio ung parang sa mga movies, ung parang iikot ung camera tas big;ang andun pala sa likod ung taong hinahanap nia. parang ganyan! HAHAHA. tapos un. bumili na sila ng ticket.. si monik, nabili na ni rens ng ticket nung iniintay namin xa. 2:10 nagstart at natapos ng mga 5. nagkita pa nga kami dun nila ella e! grabe! totoo nga na TUMABA NA XA! >.<
BALITA:
dahil dun sa naging issue sakin kung nde nio alam un, basahin nio ung post ko sa baba. =), nde na ako lumalabas ng bahay. nakakatamad dito, walang magawa kundi iharap ang mata sa monitor, ihilata ang katawan sa kama at kumain ng mga makakain sa ref! nyahaha. at magteks papala at magtawag. XD ayun. may nabasa ako sa isa sa mga kaibigan ko sa friendster na may comment na ganto galing sa isa sa mga babaeng kaibigan ko rin. eto:
(pangalan)...nabasa ko yung message mo...ndi naman talaga kami galit kay jet...nagulat lang kami sa kanya kasi biglang sumama sa boys ndi tulad dati na ndi xa nakikisama sa inio..alam k0ng wala kaming karapatan magalit at walang masamang sumama sa inio...kaya lang nakita din xa ni daddy na puro kasama mga lalaki at nabanggit sakin toh...sooo parang ako no comment don...buti na lang ndi sinasabi ni dad sa dad ni jet....medyo na freak out lang kami...=))... (tas mga mensaheng nde na dito kaugnay)
yan.
pero kahit na. nde muna ako lalabas. haha. siguro tatapusin ko muna ung mga libro ni bob ong. XP at mejo babawasan ko na muna ang pag ppc ko.. natatakot akonglumabo mga mata ko e. HAHAHA. pero kung nde na kaya ng katawan ko ang pagkukulong ko sa bahay.. lalabas na ako. bahala na kung kanino ako sumama. =)
sa mga nagcomment, maraming salamat a. =)
8:55 AM.
tae yan. sobrang ayoko talaga sa lahat ung pinag uusapan ka ng mga tao dahil sa mga ginagawa mo sa buhay mo. oo, minsan tama sila kasi parang nagshshow sila ng concern sayo pag ganun. pero kung sobrang mali na ung mga sinasabi nila.. ung bang parang ang masasabi mo sakanila
"bakit ba pinapakielaman nio ko?" parang ganyan.
ganto kasi ang storya. lately kasi sa mga guys ako napapahalubilo, e dati naman dun ako sa mga babae na hindi ko naman mashado nakakausap dahil feeling ko sobrang iba ung mundong ginagalawan nila sa ginagalawan ko. sobrang makwneto sila, ako nde naman mashado kasi iba ung mga kwento nila sa kwento ko. magkaiba ng trip sa buhay. chaca kasi.. sila, sobrang dati pa magkakasama. sobrang nung mga bata pa kami, sila sila na ung magkakasama. tapos ampanget naman kung bigla akong makiki- join the club diba. nahihiya lang kasi ako pag ganun. chaca mejo nahihirapan ako iapproach sila. ayun.. basta ganyan ung daloy.
kahapon, kinausap ako ng kapatid ko. sinabi nia sakin ung mga sinasabi ng mga kaibigan nia, ayun. sila na nga un. sabi nia "ate
lumayo ka muna sa mga lalake". tapos sinabi nia sakin na kasi daw maraming naaasar sakin kasi nga dun ako lagi sumasama, baka daw kasi kung anu mangyari sakin. alam ko naman ung ginagawa ko e. may utak ako. kaya lang ampanget ng dating sakin e.. sobrang dinamdam ko un. kasi naman parang sinasabi nila na
samin ka sumama kasi babae tayo parang ganyan.
MASAMA BANG MAGING MALAPIT SA MGA LALAKE?tapos kagabi, narinig nila ako na nagpaalam kay dad nung nagpaalam ako lumabas until 9 kasi ng kakausapin ko sila kung anu bang nanyayare. kaya lang nde na ko pinalabas. tapos eto.. isusumbong dapat nila ako =( wala. haaayy na lang ang nasabi ko. tapos nung sila sila na ang nag uusap may nagsabi daw sakin na
malandi daw ako. AWTS! graabe. =( bakit ganun? nde na lang nila sakin sabihin ng derecho? ung harap harapan para masasasbi ko ung side ko. nde ung pinag uusapan nila ako ng mga ganun ganun. parang nakakabastos lang. o talagang pinapakita nila na... ....
kung sakaling mabasa nila to. nde ako galit. nagulat slash naasar lang ako, kasi naman nde ko naman kayo pinapakielaman sa mga ginagawa nio. punta kayo dun, cge. kakain kayo, cge. kaibigan nio sila, cge. jan kayo. dito ako. tama si anne, mapapakisamahan nio naman ako kung marunong kayo e. kung si anne at tisoy nga nagawa.. kayo pa kaya. kung gusto niong sumama ako senio.. ocge. walang kaso un. kabigan ko rin kayo. apologies lang kelangan dito. =) ayus to. peksman.
sa ibang mga nakabasa nito. mali ba ung ginagawa ko na sumama sa mga kaibigan kong lalaki? un lang ang pinagtataka ko kasi. wala naman kasing masama dun diba? tao rin naman sila. nyaha! XD may utak naman ako para malaman kung tama ba ung ginagawa ko o mali ba. alam ko ang limitations ko. kung sobra na, tama na. tigil. kung mali at kung nakakasama sakin, wag na ituloy.
COMMENTS NAMAN PLEASE. KELANGAN KO MALAMAN KUNG ANUNG INIISIP NIO TUNGKOL SA ENTRY KO salamat.
if you're tryin' to turn me into someone else
it's easy to see I'm not down with that
i'm not nobody's fool
if you're tryin' to turn me into something else
i've seen it enough and I'm over that
i'm not nobody's fool
if you wanna bring me down
Go ahead and try.
9:42 AM.
MASAYA.MASAYA.MASAYAsobrang masaya ang may 2. =) sa review pa lang masaya na, tapos pati sa sm at hanggang gabi masaya pa rin! =) grabe! haha. wala. mashadong madaming nanyari pero natatamad ako ilagay lahat dito.
eto na lang! =) sasabihin ko na sakanya na 35% na xa sakin. NYAHAHA. alam to ng mga ka-sun ko. XD
naadik na ako mag adobe! nyaha! soobra! pero nde ko pa nilalabas ung mga ginawa ko.. sa susunod na para isang bagsakan na lang. lalagy ko sa multiply ko. intay lang. =)
ayon. basta!
masaya ang madaming friendly friends!GRAAABBEE!!sa may 8 na kami manunuod ng spiderman3! yey!
9:55 AM.