Hindi ko alam kung dapat ko bang pakawalan yung "monster" sa loob ng katawan ko.
Kasi pagpinakawalan ko, baka may madamay or baka talagang hindi pa xa dapat pakawalan o TALAGANG HINDI NA DAPAT.
Alam na nga nang sarili ko na un ung nararamdaman ko sa katawan ko, nagpupumilit pa rin siyang itago ito sakin.
Nagrarambol sila sa utak ko.
Naasar ako kasi hindi ko alam kung bat ako naaasar kahit na alam ko naman talaga ung dahilan ayoko lang talaga aminin sa sarili ko.
Magulo.
Dati kasi parang kinulong ko na yung salitang un sa sarili ko.
Oo, ganun na ako habambuhay.
Pero sabi nga ng mga tao "walang taong ganun" na hindi ko naman pinaniniwalaan kasi ako mismo, dati, ay ganun.
Pero ngayon, parang unti unti nang nababago sakin un, nawawala na sakin ung ganung paniniwala..
dahil sayo.. kung sino ka man.Wala.
Mahirap pala ung madami kang alam.. at ung kaalaman mong un nadadagdagan pa.
FRIENDSTERYan. Dapat nag iingat tayo sa mga ilalagay natin jan.
Kadalasan kasi jan ako nakakakita ng mga bagay o salitang pilit na isinisikreto sakin na gumugulo sa utak ko.
TAE.
Madaming beses na kasing nangyari to.
Iba't ibang tao na.
LINTEK.
6:09 PM.